-- Advertisements --

Kinumpirma ng US na gumagamit ang Russia ng mga drones mula sa Iran.

Ang nasabing mga Iranian-made drones ay ginagamit ng Russia sa pag-atake sa Ukraine.

Sinabi ni Air Force Brig. Gen. Pat Ryder na nagsisilbing Pentagon press secretary, na ang nasabing drones ay binili ng Russia sa Iran.

Magugunitang noong nakaraang mga araw ay nagsagawa ng drone attacks ang Russia sa ilang bahagi ng Ukraine.

-- Advertisement --