Mas pinaigting at pinalawak na RP-US Balikatan exercise ang asahan sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma nina US Indo-Pacific Command comamnder Admiral John Aquilino at AFP chief of staff General Jose Faustino.
Sinabi ni Aquilino at Faustino na magiging “full scale” o itotodo nila ang gagawing pagsasanay sa susunod na taon.
Sinabi ni AFP chief, kakaiba ang Balikatan 2022 kumpara sa mga nakalipas na RP-US joint military exercises.
Ito ay dahil madadagdagan ang mga kaalyadong bansa ang lalahok na magiging observer.
Isa na dito ay ang posibleng sumali ang United Kingdom Armed Forces.
Ayon kay Faustino, ngayon pa lamang kanila ng inilalatag ang iba’t ibang mga aktibidad bilang paghahanda.
Samantala, sinabi naman ni Aquilino na mas malakas na ngayon ang relasyon ng Pilipinas at US.
Ito’y dahil sa patuloy na pagpapalitan ng intelligence information, counter terrorism, disaster response, cyber security attack at iba pa.
Matatandaan na kung tuluyan na nabasura ang Visiting Forces Agreement, mawawala na ang taunang ehersisyo sa pagitan ng AFP at kanilang mga US counterparts.