-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang alegasyon na mayroon nang ilang empleyado sa Office of the President ang nabakunahan kontra COVID-19.

Iginiit ni Roque na katulad ng karamihan, naghihintay lang din ng kanilang pagkakataon sa vaccination program kontra COVID-19 ang mga government frontliners.

Sa katunayan, sobrang nag-iingat aniya ang lahat ng mga empleyado sa OP dahil kahit isa sa kanila ay wala pang nababakunahan.

Ganito rin aniya ang sitwasyon sa kanyang opisina, ayon kay Roque.

Samantala, pinabulaanan din ni Roque ang balita na isa sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.