-- Advertisements --

Pinadalhan ng bulaklak ni Mariah Carey ang singer na si Brenda Lee matapos na maging numero 1 ang kanta nitong “Rockin’ Around The Christmas Tree”.

Ang nasabing kanta ay nag-numero uno sa Billboard Hot 100 chart sa unang pagkakataon matapos ang 65 taon ng ito ay ginawa.

Naglagay ng sulat kamay si Mariah at binati ang kapwa singer.

Taong 1958 ng ginawa ang kanta kung saan 13-anyos pa lamang noon ang singer na si Brenda Lee.

Noong nakaraang buwan kasi ay inilabas ng 78-anyos na singer na si Lee ang music video ng nasabing kanta.

Siya rin ang tinaguriang pinakamatandang singer na naging numero uno ang kanta sa kasaysayan ng Billboard chart.

Magugunitang tuwing kapaskuhan ay nagiging numero uno ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You”.