-- Advertisements --

Inamin ni Vice President Leni Robredo na nag-uusap sila ni Sen. Manny Pacquiao hinggil sa 2022 national elections.

Ayon kay Robredo, nagkita pa sila ni Pacquiao bago pa man nagtungo sa America ang senador para maghanda sa kanyang welterweight fight kontra Errol Spence Jr.

Pero nilinaw ng bise presidente na ang diskusyon nila ni Pacquiao ay tungkol lamang sa kung ano ang mga pakiramdam nila sa halalan at kung ano ang posisyon nila ukol dito.

Hindi aniya nila napag-usapan ni Pacquiao kung sino ang kanilang susuportahan para sa 2022 polls.

SInabi ni Robredo na nakipagpulong na rin siya sa iba’t ibang political players, at kanilang natalakay ang tungkol sa nalalapit na halalan na sa tingin niya ay mahalaga para sa oposisyon.

Gayunman, tumanggi ito na idetalye ang kanilang mga napag-usapan bilang paggalang na rin sa privacy ng iba pang mga indibidwal.