-- Advertisements --
Kinumpirma ng actress na si Rita Daniela na hiwalay na sila ng non-showbiz partner na ama ng kaniyang anak.
Sinabi nito na umabot sa apat na taon ang kanilang pagsasama subalit nagkaroon ng hindi magandang pagsubok hanggang nauwi sa hiwalayan.
Sinubukan pa nila itong ayusin para sa kanilang anak subalit hindi na sila nagtagumpay.
Sa ngayon aniya ay minabuti nilang maging magkaibigan na lamang.
Magugunitang noong Disyembre ng isilang ng singer-actress ang anak na pinangalanang si Uno.