Dinaluhan ng mga sikat at kilalang personalidad ang kasal ng anak ng pinakamayang tao sa Asia.
Pangungunahan nina Mark Zuckerberg, singer na si Rihanna at Bill Gates sa pre-wedding gala sa kasal ng anak na lalaki ni Reliance Industries chairman Mukesh Ambani.
Ang 28-anyos na anak nito na si Anant Ambani ay ikakasal kasi kay Radhika Merchant sa buwan ng Hulyo.
Si Mukesh Ambani, 66-anyos ay nasa pang-10 sa pinakamayamang tao sa mundo na may kabuuang yaman na abot sa $115 bilyon ayon sa Forbes.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng magarbong handaan si Ambani dahil noong 2018 ay nanguna si Beyonce na nagtanghal sa pre-wedding festivities ng anak nitong babae na si Isha Ambani kasamang dumalo doon sina dating US Secretary of State Hillary Clinton, John Kerry at maraming iba pa.