-- Advertisements --

Ilang hakbang na lang ay maaari nang maging guaranteed freedom sa bansang France ang abortion matapos makakuha ng 493 na boto mula sa French National Assembly. Nasa 30 lamang ang komontra laban sa pag-adopt ng right to abortion sa konstitusyon ng France. 

Dahil dito, nasa susunod na proseso na ang panukalang batas kung saan magde-debate at magbobotohan ang senado kung pabor o kontra sila sa abortion. Pagkatapos ng prosesong ito ay magkakaroon pa ng special body mula sa dalawang chambers para talakayin ang panukalang batas. 

Sakaling maging batas, ang France ang magiging kauna-unahang bansa sa mundo na may probisyon sa konstitusyon hinggil sa abortion. Una ng pinawalang-sala ang abortion sa France noong 1975 sa ilalim ng isang batas ngunit hindi rin nakasaad dito at sa kanilang konstitusyon na may karapatan ang mga babaeng isagawa ang abortion.

Itinuturing naman itong victory para sa karapatan ng mga kababaihan ni France Prime Minister Gabriel Attal. 

Ayon sa datos, mayroong mahigit 222,000 na mga kababaihan ang nagpa-abort ng kanilang ipinagbubuntis noong 2021 kaya naman mariin itong tinututulan ng simbahang Katolika sa France. Isa umano itong trahedya para sa mga kababaihan at sa sanggol na dinadala nito.