-- Advertisements --

Maaaring maabot ng Pilipinas ang rice sufficiency pagsapit ng 2028 kasabay ng inaasahang pagtaas ng produksiyon ng palay ngayong taon sa kabila ng epekto ng El Niño weather phenomenon.

Inamin ni acting NIA administrator Eduardo Guillen na hindi mapapatubigan ang lahat ng agricultural lands dahil nasa 20% dito ay ikinokonsiderang vulnerable sa El Nino subalit kapag naipatupad aniya ang alternatibong wetting at drying technology, hindi maapektuhan ang 20% ng agri lands.

Batay sa naging pagpupulong ng NIA official kay PBBM noong kalihim pa ito ng DA, sinabi ni Guillen na ipraprayoridad ang high-yielding varieties.

Ang mga ito ay ang hybrid rice. Sa kasagsagan ng dry season, ang aning hybrid rice ay dumoble sa 4 tonelada kada ektarya, 8 tonelada at 10 tonelada. Sa Central Luzon at mga lugar na saklaw ng magat dam sa Isabela, mayroong ani na 10 hanggang 12 tonelada.

Tanging nasa 10,000 ektarya sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation System ang vulnerable ngayon sa El nino mula sa dating 50,000 ektarya.

Para matugunan ang epekto ng El Nino sa agri lands, ayon sa NIA, nagpapatupad ito ng short-term, medium at pangmatagalang mga proyekto para makapagbigay ng irigasyon sa buong bansa.