Inaprubahan na ng House Committee on Justice ang committee report at resolution na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Sa pulong ng komite ngayong umaga, 20 kongresista ang bumoto nang pabor sa committee report at resolution.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay ibinasura ng justice panel ang impeachment complaint na inihain laban kay Leonen matapos itong nakitang insufficient in form.
Aabot sa 44 kongresista ang bumoto nang Yes sa pagbasura sa reklamo habang dalawa naman ang nag-inhibit.
Ayon sa mga mambababtas, ang mga alegasyon na nakasaad sa reklamo ay ibinase lamang sa mga newspaper reports at columns, at hindi sa personal knowledge at authentic records, dahilan para tawin itong hearsay lamang.