-- Advertisements --

Inianunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na opisyal ng tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation o pagbibitiw ni PhilHealth President/CEO Ricardo Morales.

Sinabi ni Sec. Roque, tinanggap ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Morales kaya’t bakante na ngayon ang posisyon nito sa insurance corporation.

Ayon kay Sec. Roque, wala pang kapalit na itinatalaga si Pangulong Duterte pero may ilang mga pangalan ng ikinokonsidera sa posisyon.

Wala pa namang binabanggit na pangalan si Sec. Roque at maingat daw ang gagawing pagpili rito ni Pangulong Duterte dahil nakasalalay dito ang paglilinis sa PhilHealth.