-- Advertisements --

Target ng pamahalaan na ituloy ang repatriation ng mga Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship na nasa Japan sa darating na Martes, Pebrero 25.

Ang nasabing petsa ay nagkataong araw naman ng paggunita sa 34th anniversary ng EDSA People Power Revolution.

Ito ay batay sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ngayong Linggo.

“So far 25 Feb is repatriation day,” saad nito.

Una nang ipinagpaliban ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang naka-schedule sanang repatriation ngayong araw ng mahigit 400 Pinoy crew members.

Ayon sa Department of Health, napagkasunduan ng task force na bigyang daan ang Japanese health authorities na tapusin ang laboratory testing kung mayroong may sintomas o nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID)-19.