Hinimok ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang gobyerno na palakasin pa ang breast cancer detection upang makapagsalba ng buhay.
Inihain ni Rep. Villar ang House Resolution No. 1023 upang mapataas ang kamalayan sa breast cancer sa gitna ng paglaganap ng pinakakaraniwang kanser sa mga kababaihan sa bansa.
Sinabi ng mambabatas na nakaka-alarma ang kaso ng breast cancer cases sa bansa, kaya panahon na para palaksin ang mga programa hinggil dito at maglaan ng pondo na gagamitin sa adbokasiya.
Batay sa ulat, nasa 86,484 total cancer cases sa Pilipinas kung saan 27,163 breast cancer cases ang naitatala bawat taon.
Ang Pilipinas ay mayruong highest rate of breast cancer sa Asia at pang siyam na pinakamataas sa mundo nuong 2019.
Sa datos, tinatayang nasa 70% sa breast cancer cases sa bansa ay mga mahihirap na kababaihan.
Naniniwala si Cong. Villar na ang pagkakaroon ng early detection programs ang siyang pinaka mabisa at abot-kayang pangangalaga para labanan ang breast cancer.
“There is a seeming absence of comprehensive screening programs especially in far-flung areas, thereby depriving women to seek immediate early screening or medical help,” pahayag ni Villar.
Nanawagan din si Villar sa mga kapwa mambabatas na magpasa ng hiwalay na panukala na magtatayo ng special assistance fund para lamang sa mga cancer patients lalo na ang mga mahihirap nating mga kababayan.