-- Advertisements --

Inatasan ni Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga biktima at pamilyang naapektuhan ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Kaagad na nakipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa mga ospital na tumanggap sa mga nasugatan at tiniyak na sasagutin nito ang kanilang gastusing medikal. 

Sinabi ni Romualdez na prayoridad nilang matiyak na matatanggap ng mga biktima ang kinakailangang gamutan nang walang alalahaning pinansyal.

Tiniyak din ng kanyang tanggapan na sasagutin ang gastos sa burol ng mga nasawi sa insidente. 

Nakipag-ugnayan din ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng psychosocial intervention at trauma support sa mga estudyante, guro at iba pang apektado.

Ayon kay Romualdez, magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan, ospital, paaralan at iba pang kaukulang ahensya.