Naniniwala si house blue ribbon committee chair at house prosecution panel chair Joel Chua na mahalaga ang pagtugon ng kampo ni VP sara Duterte sa summons na ipinadala ng impeachment court.
Gayunpaman sinabi ni Chua na kumpiyansa siya na tutugon dito ang pangalawang pangulo.
Matatandaan na binigyang ng sampung araw ng impeachment court ang bise presidente para sumagot sa impeachment complaint.
Nataon ito noong June 21 na Sabado, kaya’t mayroong hanggang ngayong araw na lang siya upang sumagot.
Sabi ni Chua nakapaloob sa tugon sa writ of summons ang ebidensya ng depensa.
Sakali naman na hindi magsumite ng tugon ang pangalawang pangulo ay pag-aaralan nila kung ano ang magiging susunod na hakbang.
Gayonman sa panig ng prosekusyon ay magtutuloy-tuloy lang aniya sila sa paghahanda at pagpapatibay ng kanilang mga ebidensya.