-- Advertisements --
Naglaan ng isang araw ang Philippine Embassy sa Beirut para sa mga walk-in na aplikante na magre-renew ng pasaporte.
Ito ay kada Miyerkules, dakong alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Nangangahulugan ito na maaaring mag-transact sa embahada ang mga Pinoy na magre-renew ng pasaporte nang hindi na kakailanganin ng appointment.
Layon nitong mapagaan ang pagseserbisyo ng Philippine Embassy sa mga Pilipino sa Lebanon.
Ang kailangan lamang gawin ng mga aplikante ay dalhin ang kanilang orihinal na pasaporte at ang photocopy o kopya ng documentary requirements.