-- Advertisements --
Kinumpirma ng Malacañang na naipadala na sa Bureau of Corrections (BuCor) ang release order ni US Marine Joseph Scott Pemberton.
Kalakip sa dokumentong natanggap na nang BuCor ang lagda mismo ni Pangulong Duterte na magpapalaya na sa Amerikanong sundalo.
Kinumpirma naman ni Bucor Director General Undersecretary Gerald Bantag ang pinakahuling development na nasa kamay na nga nila ang dokumentong magpapalaya kay Pemberton.
Dadalhin umano nila ang release order sa Kampo Aguinaldo partikular sa tanggapan ng Joint United States Military Advisory Group (JUSMAG).
Sa sandaling matapos ang proseso sa pagre-release ng US serviceman ay hindi malayong makalipad na rin ito palabas ng bansa sa loob ng araw na ito.