-- Advertisements --
image 59

Naniniwala si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nasa golden age na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Aniya, nakakaranas ng isang mahusay na relasyon ang Japan at PH na tinatawag aniyang golden age kayat umaasa ang lider na makatrabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para palaguin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Umaasa din ang opisyal na maging isang oportunidad ang kaniyang pagbisita upang palalimin pa ang tiwala kasama si Pangulong Marcos Jr. at palakasin pa ang kooperasyon sa hinaharap.

Sinabi din ng PM na ikinagagalak nitong bumalik sa bansa makalipas ang 7 taon.

Ginawa ni PM Kishida ang naturang pahayag kasabay ng toast kasama si PBBM sa banquet na pinangunahan mismo ng Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa mga delegasyon ng Japan sa Palasyo Malacanang.