-- Advertisements --
Iniatras na ng babae ang kaniyang reklamong sexual abuse laban sa singer na si Bob Dylan.
Kuwento kasi noong ng biktima na 12-anyos pa lamang siya ng mangyari ang pang-aabuso ng folk-rock singer.
Naganap umano ang nasabing pang-aabuso noong Mayo 1965 sa isang hotel sa Manhattan.
Lumantad ang biktima noong Agosto 2021 subalit ito ay binalewala ng mga abogado ng singer na si Bob Dylan o Robert Zimmerman sa tunay na buhay.
Inakusahan din ng legal team ng singer na sinira ng biktima ang mga ebidensiya laban sa singer.