BOMBO DAGUPAN – Puspusan na ang panghihikayat ng Commision on Elections (Comelec) Pangasinan sa mga mamamayan na magparehistro para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections dahil mayroon na lamang nalalabing limang araw bago ang deadline nito.
Ayon sa panayam kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor, huwag na umanong hintayin ang deadline at mas maiging ngayon pa lamang ay humabol na sila dahil hindi na aniya magkakaroon ng extension.
Magpapatuloy ang isinasagawang registration hanggang Enero 31 sa mga barangay hall, opisina ng mga election officers, malls, at sa mga paaralan.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng kabuuang bilang na 2,096,000 nito kabilang ang mga naunang nagparehistro noong July 2022 hanggang ngayong Enero.
Ang kanila naman aniyang target na bilang ng mga registered voters para sa edad dise-otso pataas ay 50,000 habang 30,000 naman sa mga kabataang edad kinse hanggang dise-syete.
Inaasahan naman nilang maabot ang ganitong bilang hanggang sa susunod na Linggo.
Pagkatapos aniya ng registration ay magkakaroon ng Election Registration Board (ERB) hearings upang salain ang mga approved registrants at ang mga hindi naapruba.
Para naman sa mga magiging katuwang nila sa pag-aasikaso sa mismong araw ng eleksyon, mayroon na aniya silang listahan ng kanilang makakasama na nagmula lang din sa mga nakasama na nila sa mga nakaraang eleksyon.
Kung sakali man aniyang kukulangin ang kanilang tao, cooperative naman daw ang mga kaguruan sa syudad.
Samantala mayroon naman silang isinasagawang inclusive election para naman sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siyang kinokonsidera bilang vulnerable sectors maging ang iba pang komunidad tulad na lamang ng LGBTQ.
Pinag-aaralan namang mabuti ng kanilang komisyon ang mall voting dahil may mga batas na kailangan pang sundin bago ang pagsasakatuparan nito.
Nagbigay naman siya ng komento ukol sa isang petisyon galing kay Atty. Romulo Macalintal ukol sa
naging postponement ng naturang eleksyon.