
Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na 36.79% pa lamang na mga subscriber identity module (SIM) cards ang nairehistro sa buong Pilipinas.
Ito ay katumbas ng kabuuang bilang na 62, 170,268 mga Pilipino.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy sa isang pahayag, sa natitirang ilang linggo bago ang deadline, dapat nang magparehistro upang maiwasan ang pagkaka-deactivate ng mga kasalukuyang ginagamit na SIM cards.
Kaugnay niyan, ang itinkadang deadline ng naturang departamento upang magparehistro ay sa Abril 26 ng kasalukuyang taon.
Kung kinakailangan, nais ding palawigin ng ahensya ang deadline ng 120 pang araw.
Una nang binalaan ng DICT ang mga Pilipino na magparehistro sa pamamagitan ng opisyal na Public Telecommunication Entities upang maiwasan ang mga scam at pagnanakaw ng kanilang impormasyon at pagkakakilanlan.










