-- Advertisements --
image 96

Agad pinulong ng pinuno ng Department of Social Welfare and Development ang lahat ng Field Office Regional Directors para paghandaan ang banta ng bagyong Rosal na nagpapaulan na ngayon sa ilang bahagi ng bansa.

Partikular na pinaghahanda ng DSWDang mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng paprating na bagyo kabilang ang buong Visayas, MIMAROPA, Bicol, Davao, CARAGA, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao

Kabilang sa pinatitiyak nito ang mabilis na tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad lalo na sa pagkain.

Ayon sa kalihim, mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat may maibigay nang pagkain sa mga apektado ng kalamidad sa loob ng 24 oras.