DAVAO CITY – Nagkagulo ang isinagawang refund ng investment scam na Rigen Wellness Marketing kung saan bumuhos ang libu libong mga investors na hindi nakapag-pay out.
Una nang nangako ang sinasabing CEO ng kompaniya na si Paul Auditor na magsisimula ang refund kahapon at gagawin ito ng Lunes at Huwebes ngunit karamihan sa mga pumunta kahapon ay dismayado matapos na hindi nakatanggap ng refund.
Maliban sa Tagum City, hindi rin nakatanggap ng refund ang mga investors sa kanilang mga branches sa ibang lugar sa Davao region.
Samantalang pinaalalahanan na lamang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-11) at anti-scam unit ang mga investors na maghain ng reklamo laban sa mga nasa likod ng investment scam.
Kung maalala, sinugod ng sinasabing mga investors ang bahay ng CEO at kinuha ang mga mamahalin na gamit matapos na hindi makapag-pay out simula pa noong buwan ng Abril.