Ipina-take down na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga videos ng mga krimen na kumakalat ngayon sa social media matapos itong mapag-alaman na “fake news”.
Kasunod ito ng ginawang berepikasyon ng ahensya sa ilang videos ng mga krimen alinsunod sa utos ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa ACG na paigtingin pa ang cyber patrolling sa bansa.
Una nang sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Brig. General Joel B. Doria na batay sa kanilang naging inisyal na ulat ay natukoy na karamihan sa mga kumakalat na videos ay mga recycled na at nangyari ilang taon na ang nakakalipas.
Layunin aniya ng mga indibdiwal na nasa likod ng mga recycled videos na ito ang makakuha pa ng mas maraming followers o di kaya’y palabasin na unstable ang ating pamahalaan.