Binuksan na ang rebolto ng Colombian singer na si Shakira.
Ang 21.3 talampakan na statue ay gawa sa tanso na binuksan kung saan ito ipinakita sa Barranquilla ang lugar kung saan lumaki ang singer.
Makikita sa nasabing rebolto ang iconic na paggalaw ng kaniyang beywang na makikita sa music video nitong “Hips Don’t Lie”.
Sa social media account ng singer ay makikita ang magulang nito na nakatayo sa harap ng nasabing estatwa niya.
Sa taong ito ay matunog ang pangalan ni Shakira noong ito ay maglabas ng kanta tungkol sa dating partner niya at ex-footballer na si Gerard Pique.
Kasama rin ang pag-areglo niya sa tax case niya sa Spain noong nagbayad siya ng 6.5 milyon pounds.
Pinasalamatan ni Shakira ang sculptor na si Yino Marquez at mga estudyante nito dahil sa obra na ginawa nila.