-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patay ang isang rebelde returnee matapos pagbabarlin sa Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay si Pedro Anog, 27 anyos, rebel returnee at residente ng Minanga, San Mariano, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Jerry Dungliin, nasa tamang edad, AFP member na nakatalaga sa Intel 52nd MICO, 5ID MIB and resident of Abra province.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na bago ang pamamaril ang biktima at suspek ay nag-iinuman nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nagsanhi ng pamamaril ni Dungliin kay Anog.

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station laban sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.