-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang bilang ng taon na makukulong ang singer na si R. Kelly o Robert Sylvester Kelly matapos na mahatulan ito ng three counts of producing child pornography at three counts of enticement of a minor.
Una ng na-acquit ang three-time Grammy Award winner ng federal jury sa seven counts na mga kaso kabilang ang obstructed justice.
Kasama nitong nahatulan ang dating manager nito na si Derrel McDavid at dating empleyado na si Milton “June” Brown.
Umabot sa 11 oras sa loob ng dalawang araw ang ginawang paghatol ng 12 person jury.
Magugunitang nakakulong na ang 37-anyos na singer matapos na hatulan ng 30 taon dahil sa panggagahasa mula sa ilang mga kababaihan.