-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan ang US rapper na si Kodak Black dahil sa pagtatago nito ng iligal na droga.
Ayon sa Plantation, Floridad police na rumesponde sila sa isang aksidente at nadatnan ang Bentley SUV na nakahambalang sa kalsada.
Nakita nila ang rapper na nakatulog sa manibela at ng buksan ang bintana ay sumingaw ang amoy ng marijuana.
Nakita pa sa tabi ng rapper ang isang baso na may laman na alak kaya agad nilang pinababa ito.
Pagbaba naman ng rapper ay may nahulog na isang puting bagay sa bulsa nito at ng suriin ay lumabas na ito ay cocaine pala.
Sinubukan pang itago nito ang droga subalit mabilis na nakuha ito ng mga kapulisan.
Ikinulong na ang rapper at ito ay nahaharap sa patong-patong na kaso.