-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang paghabol ng Rain or Shine para talunin ang Blackwater 120-106 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino.

Nabasag ng Elasto Painters ang 102-102 at naitala ang 18-4 run at tuluyang talunin ang Blackwater.

Nanguna sa panalo ng Painters si Keith Datu na nagtala ng 27 points habang mayroong 23 points si Adrian Nocum.

Mayroon na ngayong tatlong panalo at dalawang talo ang Painters habang ang Blackwater ay mayroong isang panalo at apat na talo.

Ayon kay Rain or Shine coach Yeng Guiao na kanilang nasagot ang mga matitinding ipinakitang shooting ng Blackwater.