-- Advertisements --
Pinahiya ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra 85-82 sa kanilang overtime game sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.
Itiinuring bayani si Beau Belga matapos na mahabol ang Ginebra na lamang pa ng dalawang puntos na natitirang 1:34 sa OT at naipasok ang three-points.
Nagtala ng 20 points, 10 rebounds, apat na assists at dalawang steal habang mayroong 16 points at limang rebounds si Mark Borboran.
Nag-ambag naman ng 13 points si James Yap at 12 points naman si Javee Mocon.
Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Painters habang mayroong apat na panalo at dalawang talo ang Ginebra.