-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng TNT Tropang Giga sa kamay ng Rain or Shine Elasto Painters 110-109 sa Game 3 ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals.

Naging susi sa panalo ng TNT ang three-points na ipinasok ni Gian Mamuyac sa natitirang 39 segundo para makuha ng Elasto Painters ang 106-100 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ito ng 25 points, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal habang si Jhonard Clarito ay mayroong 17 points at siyam na rebounds.

Nakuha ng Elasto Painters ang 2-1 na bentahe para sa best-of-3 series para makaabanse sa semifinals.

Makakaharap nila ang San Miguel Beermen sa best of seven semifinals.