-- Advertisements --
Nakapasok sa quarterfinals ang Rain or Shine matapos talunin ang TNT 80-74 sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena.
Bumida sa panalo ng Rain or Shine sina Javee Mocon at James Yap na mayroong tig-16 points at 12 points naman ang nagawa ni Beau Belga.
Sa nasabing laro ay nahigitan ni Yap si dating PBA star Ronnie Magsanoc sa No. 3 na mayroong 1,171 na three points.
Nasayang ang ginawang 18 points, 10 rebounds si Troy Rosario at 14 points, 13 rebounds naman ni Poy Erram para sa TNT Tropang Giga.