-- Advertisements --

Nakamit ng Rain or Shine ang kanilang ika-anim na panalo sa PBA 49th Season Philippine Cup.

Ito ay matapos na hindi papormahin ang Terrafirma Dyip 94-85 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

Hawak pa ng Dyip ang kalamangan 83-80 subalit hindi nila nakayanan ang naging depensa ng Rain or Shine.

Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Rain or Shine habang ang Dyip ay mayroon isang panalo at siyam na talo.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Jhonard Clarito na nagtala ng 12 points na sinundan ni Andrei Caracut na mayroong 11 points.

Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Louie Sangalang at 18 points, 11 rebounds, anim na assists at dalawang steals ni Stanley Pringle para sa Dyip.