-- Advertisements --

Nakamit ng Rain or Shine ang kanilang unang panalo sa PBA Philippine Cup matapos na talunin ang NorthPort 113-96.

Nanguna sa panalo ng Elasto Painters si Gian Mamuyac na nagtala ng 22 points, tatlong rebounds, tatlong assists at isang steal sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nag-ambag naman ng 17 points si Leonard Santillan hbagn mayroong tig-15 points sina Andrei Caracut at Caelen Tiongson.

Tila nakabawi ngayon ang Rain or Shine sa masaklap na pagkatalo nila nitong Linggo sa kamay ng NLEX 109-95 na ngayon ay mayroon na silang isang panalo at isang talo.