-- Advertisements --
image 212

Bumagsak na sa listahan ng top 100 tennis players sa buong mundo ang batikang Tennis player na si Rafael Nadal.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng dalawampung taon, simula nang umangat sa ranking ang 22-time grand slam champion.

Ngayong taon kasi ay bigo si Nadal na sumali sa French Open. Sa nasabing turneyo, hawak ni Nadal ang titulo sa loob ng 14 na pagkakataon.

Ang hindi nito paglalaro ay dahil na rin sa patuloy itong pagpapagaling mula sa isang hip injury na una niyang tinamo noong Enero sa Australian Open.

Dahil dito, bumaba na si Nadal sa no 136 mula sa dati nitong rank na no.15.

Samantala, muli namang bumalik sa No.1 rank si Novak Djokovic, na dating hawak ni Carlos Alcaraz. Nagawa ito ni Djokovic, matapos talunin si Alcaraz sa katatapos na Franch Open.