-- Advertisements --
Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Southern Tagalog region, ngayong Lunes.
Naitala ito ng Phivolcs kaninang alas-8:05 ng umaga.
Natukoy ang epicenter sa layong 25 km timog kanluran ng San Francisco, Quezon.
May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershock mula sa nasabing lindol.