-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress na si Queenie Padilla na hiwalay na sila ng non-showbiz Pakistani na asawang si Usama Mir.

Sa kaniyang social media account sinabi nito ay nagpost ito ng larawan at may caption na ginawa nila ang lahat ng makakakaya para isalba ang relasyon subalit hindi sila nagtagumpay.

Humingi na lamang ito ng pang-unawa sa mga followers at fans at hayaan na lamang daw sila.

Si Queenie o Mashel Khadija Mir ay panganay na anak ni Senator Robinhood Padilla sa actress na si Liezl Sicangco.

Nagsama ang dalawa ng 11 taon kung saan mayroon silang isang anak na lalaki.