-- Advertisements --

Hindi na kailangan pa ng quarantine passes sa Metro Manila sa oras na isailalim na ito ulit sa modefied enhanced community quarantine (MECQ) simula bukas, Agosto 21.

Ayon kay Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ito ang pagkakaiba sa mga nauna nang MECQ na ipinatupad sa bansa.

Samantala, mananatili naman ang curfew hours sa Metro Manila mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga kinabukasan.

Desisyon na rin aniya ng bawat local government unit kung magpapatupad o hindi ng liquor ban.