-- Advertisements --

Inianunsyo ni Interior Sec. Eduardo Año na hahanapan na uli ng quarantine passes ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na ibinalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Sec. Año, napag-usapan na nila ito sa mga Metro Manila mayors at ipinauubaya na nila sa mga local government units (LGUs) kung paano ipatutupad.

Ayon kay Sec. Año, aasahan na rin uli ang mga quarantine checkpoints sa mga MECQ areas lalo sa mga borders.

Kagabi, inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na balik sa MECQ ang National Capital Region at mga lalawigan ngh Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula bukas Agosto 4 hanggang 18.

“Under MECQ, kailangan natin ng quarantine pass. Pinagusapan na namin ng mga NCR mayors ‘yan. We leave it to the LGU kung paano nila i-implement,” ani Sec. Año.