-- Advertisements --

Tahasang hinamon ni Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel ang misis ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na ituloy ang bantang pagdemanda kaugnay sa akusasyon nito na siya ay isang mistress o kalaguyo.

Toto Mangudadatu
ex-Gov. Mangudadatu

Unang pahayag ito ng ng Pinay beauty queen matapos ang ilang buwan nang pagkadawit ng kanyang pangalan na karelasyon daw ng 52-anyos na dating gobernador ng Maguindanao simula pa noong nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng mahabang post ni Sharifa sa kanyang Facebook, deny nor confirm ito sa isyu pero iginiit na hindi siya ang dapat sisihin sa failed marriage ng tinukoy lang nito bilang “Miss Desperada.”

Sana aniya ay ilabas na lamang ang mga ebidensiya sa korte kaya idaan sa social media ang mga maling paratang.

“If you hate me, hate me alone. Don’t be out there lying about me trying to recruit people to hate me with you. I was born and raised in a poor family setting at hindi ako nagpapanggap, hindi ako umaapak sa estado ng buhay ng iba at higit sa lahat hindi ako nanghahamak ng kapwa,” bahagi pa ng post ni Akeel.

Ang 23-anyos na si Sharifa ay ang first ever Muslim beauty title holder ng bansa na nakasungkit ng korona sa international pageant scene.