Sa score na 15-25, 25-18, 24-26, 25-19, at 15-13, pinataob ng Petro Gazz Angels ang Creamline Cool Smashers sa preliminary game ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na ginanap sa Sta. Rosa Sports Complex ngayong gabi, April 6.
Itinanghal namang player of the game si Brooke Van Sickle matapos itong makapagtala ng pinakamataas niyang record sa PVL na 29 points mula sa 23 attacks, 4 blocks, at 2 aces.
Sa ikalimang set ng laban, malaki na ang lamang ng Petro Gazz sa score na 8-3. NGunit hindi nagpatinag ang Creamline hanggang sa maging isa na lang ang lamang ng kalaban sa score na 12-11.
Pero hindi na tuluyang nalamangan ng Creamline ang Petro Gazz lalo na nang bumulusok si Aiza Maizo-Pontillas para sa winning score na 15-13.
Dahil dito, tie na sa standing ang Petro Gazz at Creamline na parehas may 6 wins at 2 losses.