Nagpaabot din ng pakikidalamhati ang lider ng Russia at Ukraine sa pagpanaw ng Her Majesty Queen Elizabeth II sa kabila ng malamig na relasyon sa pagitan ng british government at ng Kremlin.
Ito ay dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 24 ng kasalukuyang taon.
Kapwa din nagbigay ng pagpupugay at pakikiramay sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodomyr Zelensky kay newly-appointed King Charles III, sa Royal family at sa buong United Kingdom at sa Commonwealth sa irreparable loss ni Queen Elizabeth.
Ang pagpanaw ni Queen Elizabeth ay mistulang nagpahinto sa combative posture ng Russian sa Britain na hayagang sumusuporta sa Ukraine.
Sa open letter na inilathala sa website ng Kremlin, sinabi ng Russian leader na ang pinakamahalagang events sa kasaysayan ng United Kingdom ay dahil kay Queen Elizabeth.
Sa maraming dekada, nagtamasa ng nararapat na pagmamahal at respeto si Queen Elizabeth mula sa kaniyang subjects at authority sa world stage.
Maaalala na nang nabubuhay pa si Queen Elizabeth, nagbigay pa ito ng donasyon sa Disasters Emergency Committee Ukraine Humanitarian appeal.










