Nakalaya na matapos maghain ng piyansa ang drag performer na si Pura Luka Vega matapos na maaresto dahil sa bagong reklamo mula sa religious groups.
Sinabi ni Drag Den Philippines director Rod Singh na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang fundraising events para sa mga kasong kinakaharap niya.
Sa ngayon aniya ay balik trabaho ito para mapunan ang mga gastusin sa trabaho niya.
Magugunitang nitong Huwebes, Pebrero 29 ng maaresto si Pura Luka mula sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court dahil sa paglabag sa immoral doctrines, obscene publications at exhibition and indecent shows kung saan ang recommended na piyansa ay P360.000.
Ang nasabing kaso ay mula sa reklamo ng tatlong simbahan na konektado sa Philippines for Jesus Movement.
Bago nito ay naghain na ng piyansa si Pura Luka ng P720,000 dahil sa six counts ng parehas na kaso.
Nagbunsod ang kaso dahil sa pagtanghal niya ng “Ama Namin” na ikinagalit ng ilang Katoliko.