Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagsabog ng granada sa Mandaluyong City nitong Linggo.
Dahil sa nasabing pangyayari isa ang nasawi habang tatlo ang nasugatan.
Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nilagyan ng granada ng hindi pa kilalang mga suspek ang motorsiklo ni Police Staff Sgt. Aldin Saligo ng Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong Police.
Pagdaan sa humps sa Baragay Additon Hills ay bigla na lamang itong sumabog.
Nadamay ang kasunod nitong tricycle na sinasakyan ni Roger Barcelo ang nasawing biktima.
Natamaan din ng fragments ang tatlong katao na nasa gilid ng kalsada.
Ito ang pang-apat na beses sa pagtatangka sa buhay ni Sedanto na ang itinuturong nasa likod nito ay ang Eric Oduca drug group na laging target ng kanilang operasyon.