-- Advertisements --

Nagsisisi na raw si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca sa kaniyang pagpatay sa mag-ina na sina Sonya at Frank Gregorio noong Linggo sa Paniqui, Tarlac.

Sobrang laki raw ng pagsisisi ngayon ng pulis dahil sa nagawa nitong krimen, subalit bukod sa paghingi ng sorry ay wala na raw itong ibang gustong sabihin sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Kung maaalala, harap-harapan na binaril ni Nuezca ang mag-inang Gregorio dahil sa umano’y pagpapaputok ng boga ng 25-anyos na biktima.

Kaagad naman itong sumuka sa pulis at humaharap sa kasong dalawang bilang ng murder.

Hindi naman bago ang nasabing puli sa mga administratibong kaso dahil sa mga hinarap nitong grave misconduct cases nitong mga nagdaang taon, ngunit pare-pareho lamang na nabasura ang mga ito dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensya.

Para naman sa naiwan na asawa ni Aling Sonya ni si Mang Florentino, hindi raw niya matatanggap ang sorry ni Nuezca. Kung may tama raw kasi na pag-iisip ang suspek ay hindi naman daw mangyayari ang karumal-dumal na krimen.

Naging masaklap pa raw dito ay ipinakita pa ni Nuezca sa harapan ng kaniyang anak kung papaano pumatay ng tao.