
Pinawi ngayon ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng publiko sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa maging ang hospital utilization.
Sinabi ni Department of Health (DoH) officer-in-charge Maria Rosario-Vergeire na ang kaso ng nakamamatay na virus sa bansa ay nananatili namang manageable.
Una rito, sinabi ni Vergeire na tumaas ng 6 percent ang kaso ng COVID-19 sa nakaraang linggo na may average na 1,181 na bagong kaso sa kada araw.
Sa National Capital Region ay tumaas daw ang kaso sa 15 percent kumpara noong nakaraang lingg na mayroong average na 460 cases kada araw.
Pero sa kabila nito, sinabi naman ni Vergeire na ang hospital admissions sa lahat ng rehiyon ay mayroong “low risk classification.”
Sa ngayon, ang tinitignan lamang daw ng DoH ay ang Bangsamoro region na mayroong moderate-isk intensive care unit (ICU) utilization dahil sa mababang bilang ng ICU beds.
Pinayuhan naman ng opisyal ang publiko lalo na ang mga magsasagawa ng mga Christmas party na isagawa ito sa mga open spaces at siguraduhing ang mga dadalo ay walang sintomas ng covid.










