-- Advertisements --

Hinamon ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) si Senador Rodante Marcoleta na patunayan ang kaniyang akusasyon na bayaran ang mga media personnel.

Sa isang statement, sinabi ng task force na ang mga ganitong pahayag ay nagbabanta sa kredibilidad ng media at naglalagay sa kanila sa panganib. Aniya, tungkulin ng mga mamamahayag na mag-ulat nang wasto at walang kinikilingan, at mahalaga na igalang ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang papel bilang tagapagbantay ng katotohanan at pananagutan.

Binigyang-diin din ng task force na dapat panindigan ni Senador Rodante Marcoleta ang kanyang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng matibay na ebidensya, o kaya ay bawiin ang kanyang mga komento at humingi ng tawad sa mga mamamahayag na kanyang pinaparatangan ng mali.

Ginawa ng task force ang pahayag matapos akusahan ni Marcoleta ang mga mamamahayag na bayaran sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng flood control anomalies na idinaos ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa pangunguna ni Senador Pia Cayetano ngayong Huwebes, Hunyo 4.