-- Advertisements --

Pumasok na ang Philippine Sports Commission (PSC) para imbestigahan ang kontrobersya sa NCAA.

Nais nilang malaman ang tunay na nangyari sa pagwawala ni John Amores ng Jose Rizal University sa laban nila ng College of St. Benilde.

Bumuo na rin ang PSC ng fact-finding committee na siyang magsasagawa ng imbestigasyon.

Sinabi ni PSC Chairman Noli Eala na walang puwang ang karahasan sa larangan ng sports.

Nakasaad din sa resolution na sa nasabing imbestigasyon ay malalaman ang maibibigay na karampatang hakbang sa lahat ng mga sangkot sa insidente.

Magugunitang nitong Martes ng biglang nagwala si Amores na unang target nito ang ilang fans subalit nabaling ang atensiyon sa kalabang koponan at pinagsusuntok ang ilang mga manlalaro.