-- Advertisements --
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Philippine Sports Commission (PSC) na kaya pang mamayagpag ang mga atleta ng bansa na sumasabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Kasunod ito sa sinasabing mahinang simula dahil sa hindi pa ito nakakahakot ng mga medalya.
Sinabi ni PSC Chairman Richard Bachmann, na may ilang mga atleta pa na kayang magdala ng bansa at makakuha ng gintong medalya.
Kinabibilangan ito nina EJ Obiena, Hidilyn Diaz at ilang mga boksingero ng bansa.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong isang silver medal ang bansa sa pamamagitan ni Sanda fighter Arnel Mandal at apat na bronze medals na galing kina Patrick King Perez sa taekwondo at mga wushu na sina Jones Inso, Gideon Fred Padua at Clemente Tabugara Jr.