-- Advertisements --
cyber attact

Mayroon nang sinusundang lead ang Philippine Statistics Authority (PSA) matapos ang umano’y cyberattack na nangyari sa sistema nito.

Batay sa naging pahayag ni Eliezer Ambatali, ang data protection officer ng naturang ahensiya, sinusundan na ng investigating body ang naturang lead, ngunit hindi pa maaaring ilabas sa kasalukuyan.

Pagtitiyak ni Ambatali, ang may pakana sa nangyaring cyberattack sa community-based monitoring system (CBMS) nito ay hindi katulad ng Medusa ransomware na umatake sa Philhealth.

Tinukoy ng opisyal ang pagkakaiba ng malicious files na ginamit ng Medusa at nang umatake sa PSA.

Maalalang sa nangyaring pag-atake ng Medusa sa Philhealth, humingi ito ng $300,000 na ransom ngunit hindi naman nagbayad ang ahensiya.

Ayon kay Ambatali, posibleng ang nagsagawa ng pag-atake sa PSA ay nais lamang ipakita na kaya nitong isagawa ang naturang uri ng cyberattack.